SEOUL, South Korea (AP) – Ipapahayag ng Samsung Electronics sa Enero 23 ang rason kung bakit umiinit at umaapoy ang mga Galaxy Note 7 smartphone nito. Mapapanood ito nang live sa kanilang Chinese, English at Korean website.

Naging malaking eskandalo ang Galaxy Note 7 sa world’s largest smartphone maker. Ipinabalik ng Samsung at kalaunan ay ipinatigil ang pagbebenta nito matapos ang maraming ulat ng pag-init at pag-apoy nito. Ikinalugi ito ng Samsung ng halos $5 billion.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa