RIA copy

FINALLY, nagkatrabaho na sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde sa My Dear Heart teleserye na mapapanood na simula sa Lunes, Enero 23.

Gustung-gustong makasama ni Ria si Zanjoe noon pa at sa katunayan ay nag-audition siya para sa seryeng Dream Dad pero hindi nga lang siya nakapasa dahil napakabata pang tingnan ng anak ni Sylvia Sanchez nang mag-look test sila, kaya napunta kay Beauty Gonzales ang papel ng leading lady.

Sa My Dear Heart, natuloy na sa wakas ang dalaga kahit sandali lang din siya sa serye.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Magkatropa kasi sina Zanjoe at Ria kaya komportable siya sa binata.

“I admire his work ethics, his skills and his personality,” kuwento ni Ria. “He’s a great guy, ganda ng background and very family-oriented, okay katrabaho, very professional and self-made.”

Napa-wow kami sa mga papuri ng baguhang aktres kay Zanjoe. Ito pala talaga ang impression sa aktor ng mga nakakatrabaho niya sa teleserye, dahil may mga nagsabi na rin ng ganito sa presscons ng aktor.

Loveless ang binata kaya biniro namin si Ria na baka crush niya si Z.

“Ha-ha-ha, okay ka lang, Tita Reggee? Tropa ko si Z, kasama si Enchong (Dee). Alam mo naman, di ba, ‘pag tropa magkakaibigan,” katwiran sa amin.

Hmmm, bakit ba kasi nauso pa ang salitang tropa-tropa, puwede namang maging kasintahan ang tropa?

Anyway, cameo role lang si Ria sa My Dear Heart at nagpapasalamat siya nang husto dahil nakaeksena niya sina Ms. Coney Reyes na hinahangaan niya. (REGGEE BONOAN)