CAMILING, Tarlac – Limang katao ang naospital makaraang magkabanggaan ang isang tricycle at isang motorsiklo sa highway ng Barangay Malacampa sa Camiling, Tarlac, Lunes ng gabi.

Ayon kay PO2 Maximiano Untalan, Jr., nasugatan sa iba’t ibang parte ng katawan sina Bernardo Sarmiento, 43, driver ng tricycle (AV-9281); Ruffa Sudiacal, 18; Blademhirdave Sarmiento, 14, ng Bgy. Palaming; at Ricardo Diaz, 63, ng Bgy. Panggalangan, San Carlos City, Pangasinan.

Nasugatan din ang driver ng Honda motorcycle na si Ryan James Lacaden, 25, ng Bgy. Caanamongan, Santa Ignacia, Tarlac. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog