Aabot sa mahigit P80,000 ang kinakailangang likumin ng isang factory worker para makapagpiyansa matapos niyang lamutakin ang mukha ng isang batang lalaki sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Nahaharap ngayon sa kasong R.A. 7610 (child abuse law) si Manuel Cuibillas, 29, ng No. 650-45 Tempura Street, Barangay Santolan ng nasabing lungsod.

Sa salaysay ng biktima na itinago sa pangalang “Jay-Jay”, 12, kay Senior Inspector Rosalitt Avilla, head ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Malabon Police, bandang 10:00 ng umaga, naglalaro siya sa labas ng kanilang bahay gamit ang toy gun na may bala.

“Tinamaan daw ng pellet gun sa ulo ‘yung aso ni Cuibillas kaya nagalit,” paliwanag ni Avilla.

National

Chel Diokno sa pagtakbo ng Akbayan sa Kongreso: ‘Our record speaks for itself!’

Dito na umano nilapitan ni Cuibillas ang biktima at pinagkukurot sa mukha dahilan upang umiyak ang huli.

Nalaman ng mga magulang ng bata ang pangyayari kaya ipinaaresto nila si Cuibillas. (Orly L. Barcala)