Hindi na makauuwi pa nang buhay sa sariling bansa ang isang Koreano na hinihinalang tumalon mula sa balkonahe ng inuupahan niyang unit sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Yeosang Ryu, 30, tubong South Korea, at nangungupahan sa isang condominium na matatagpuan sa 1622 J. Bocobo Street sa Malate.

Sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 4:15 ng madaling araw nadiskubre ang bangkay ng biktima sa storage room na matatagpuan sa ground floor ng condominium tower.

Sa salaysay sa pulisya ng security guard na si Flomena Lamanda Jr., nakarinig ng kalabog ang mga stay-in construction worker at agad ipinagbigay-alam sa kanya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nang kanilang tingnan, dito na tumambad ang bangkay ng biktima na naliligo sa sariling dugo.

Ayon sa imbestigador, posibleng tumalon ang biktima mula sa unit, sa ika-23 palapag, dahil bukas ang pinto ng kanyang balkonahe.

Iniimbestigahan pa ng mga pulis kung may foul play sa insidente. (Mary Ann Santiago)