BANJUL, Gambia (AFP) – Namatay ang walong taong gulang na anak na lalaki ni Gambia president-elect Adama Barrow matapos kagatin ng aso, sinabi ng pamilya nitong Lunes, ilang araw bago ang kanyang inagurasyon.

Si Barrow, ngayo’y nasa Senegal, ay nakatakdang manumpa sa Huwebes ngunit nagdeklara si President Yahya Jammeh na hindi siya bababa sa puwesto.

“President-elect Barrow’s son, Habibou, died yesterday evening (Sunday) after he was bitten by dogs,” sinabi ng impormanteng malapit sa pamilya.

Si Habibou ay isa sa limang anak ng 51-anyos na si Barrow. Inilibing siya kinahapunan ng Lunes sa isang sementeryo sa Kanifing sa labas ng kabisera.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo