TARLAC CITY - Sa loob ng 24-oras na operasyon ng Tarlac City Police ay naaresto ang sampung naaktuhan umano sa pot session sa Block 3, Barangay San Nicolas, nitong Lunes ng hapon.

Ang operasyon ay nirespondehan ni Insp. Wilhelmino Alcantara na ikinaaresto nina Michael Lacson, 30; Boxlietner Legaspi, 30; Jerome Gomez, 34; Sonny Boy Torres, 28; Julius De Leon, 33, pawang ng Bgy. San Nicolas; George Valencia, 41, may asawa; Ronnie Urbina, 42, may asawa; Bong-Bong Roxas, 25, pawang ng Bgy. Tibagan; Joel Ibe, 37, ng Bgy. Trinidad, Tarlac City; at Alex Legaspi, 41, ng Mabalacat City, Pampanga.

Napag-alaman na ang pot session ay isinagawa sa bahay ni Marlon Torres, na kaagad nakatakas.

Nakarekober ng pitong plastic sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia mula sa mga suspek.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

(Leandro Alborote)