Napipintong magpatupad ng bawas-presyo sa produktong petrolyo sa bansa ngayong linggo.

Sa taya ng industriya ng langis, posibleng matapyasan ng 40 sentimos hanggang 50 sentimos ang kada litro ng gasolina, diesel at kerosene na karaniwang ipinatutupad ng mga kumpanya ng langis tuwing Martes.

Ang nagbabadyang bawas-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Enero 10 nang nagdagdag ang mga kumpanya ng langis, sa pangunguna ng Flying V, ng 10 sentimos sa presyo ng diesel kasabay ng 15 sentimos na bawas sa presyo ng kerosene, habang hindi naman nagbago ang halaga ng gasolina.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

(Bella Gamotea)