CAMILING, Tarlac – Muling natigmak ng dugo ang highway sa Barangay Malacampa sa Camiling, Tarlac makaraang mabangga ng pampasaherong Victory Liner bus ang isang Toyota Avanza, na ikinasugat ng siyam na katao, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ni PO2 Jonathan Juanica ang mga nasugatan na sina Romeo Garidan, 44, driver ng Avanza, ng Valenzuela City; Edilyn Rosario, 22, accounting assistant, ng Bugallon, Pangasinan; Darwin Bartolo, 19, ng Aguilar, Pangasinan.

Nasugatan din sina Luisa Garidan, 35; Rosalie Garidan, 3, kapwa ng Bgy. Isla, Valenzuela; Margaret Madamba, 14; Micah Madamba, 8, parehong taga-Quiapo, Maynila; Lorna Renon, 32; at Christian Renon, 12, ng Cubao, Quezon City.

Ayon sa report, sumalpok sa kongkretong poste ang Avanza matapos itong mabundol mula sa likod ng bus (CXG-894) na minamaneho ni Jeck Reyes, 38, may asawa, ng Alaminos City, Pangasinan. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog