Malubha ang lagay ng isang 39-anyos na lalaki makaraan siyang tagain sa ulo ng kanyang misis sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Poblacion sa bayan ng Makato sa Aklan.
Sa huling ulat kahapon ng Makato Municipal Police, ginagamot sa isang pribadong ospital si Julie Lachica matapos siyang tagain sa ulo ng asawang si Emma Lachica, 40, na nakapiit na ngayon.
Batay sa imbestigasyon, nagtalo ang mag-asawa makaraang tumangging magpayakap at magpahalik ang ginang na pagod at kauuwi lang mula sa pagtatrabaho sa Maynila.
Dahil dito inakusahan ng mister na may kalaguyo ang asawa hanggang sampalin at batuhin pa umano ng hollow block ang ginang.
Nakailag ang suspek, kaagad na nakadampot ng itak at tinaga sa ulo ang asawa. (Fer Taboy)