BANGKOK (AP)— Ikinasawi ng isang Thai air force pilot ang pagdausdos ng kanyang eroplano sa isang air show sa kasagsagan ng Children’s Day.

Mapapanood sa video footage ang paglapag ng JAS 39 Gripen jet sa Hat Yai air base sa southern Thailand nang bigla itong mawalan ng control at tuluyang dumausdos.

Iniimbestigahan na ng Ministry of Defense ang insidente.

Ayon kay tagapagsalita ng pamahalaan na si Werachon Sukondhapatipakerachon, nagpahayag ng pakikiramay si Prime Minister Prayuth Chan-ocha sa pamilya ng nasawing piloto.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa