Kasalukuyang isinasailalim sa imbestigasyon ang 11 katao na umano’y sangkot sa ilegal na droga matapos maaresto sa isinagawang “One-Time, Big-Time” (OTBT) operation sa Taguig City, kahapon ng madaling araw.

Base sa ulat na natanggap ng Southern Police District-Public Information Office (SPD-PIO), dakong 5:30 ng madaling araw isinagawa ang nasabing operasyon sa Barangay Bagumbayan, Taguig City at isa-isang inaresto ang 11 indibiduwal na hindi ipinabanggit ang mga pangalan.

Narekober sa mga suspek ang ilang sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Taguig Prosecutor’s Office.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Samantala, aabot sa 16 na motorsiklo ang kinumpiska ng awtoridad at dinala sa impounding area ng Taguig Police headquarters habang 75 motorista ang hinuli sa paglabag sa batas trapiko.

Napag-alaman din na may apat na tulak ng ilegal na droga ang kusang sumuko sa mga awtoridad sa ilalim ng Oplan Tokhang. (Bella Gamotea)