DAHIL pahinga muna si Kris Aquino sa paggawa ng horror films ay binibiro ng mga katoto si Iza Calzado na siya na ang hahalili rito bilang horror queen.

Tila sinang-ayunan din naman ni Iza na tawagin siyang horror queen kasi nga sa tuwing may pelikulang katatakutan ay siya kaagad ang naiisip ng producers at directors na isama. Sa katunayan hindi na mabilang ang horror movies na nagawa niya.

Pero tila naisip ng aktres na mayroon ng nagmamay-ari sa titulong iyon.

“Oh, my God, nakakahiya! Hindi, sa kanya na ‘yun. Empress na lang. Hiramin ko muna? I-text ko muna, ha?” nanlalaki ang mga matang sabi ni Iza nang humarap sa presscon ng Ilawod.

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

“Kapal ng fez (face). Pero, guys, pagbigyan n’yo na ako, fifteen years na ako, bigyan n’yo naman ako ng bagong title, horror empress! Hindi, joke lang.”

Sa madaling salita, puwede na niyang tanggapin ang titulong horror queen.

“Kung willing siyang (Kris) ipasa, tatanggapin ko nang buong-buo. Pero iti-text ko muna, guys. Puwede rin namang horror empress or horror princess. Ang bata! Mag-isip na lang kaya tayo ng iba,” natawang sabi ng dalaga.

Ending, kanya-kanyang suggestions na ang mga katoto tulad ng horror diva, horror nymphet, reyna ng lagim, horror goddess at horror siren na ikinatawa ng lahat.

“Nakakaloka ‘yung horror siren,” hirit ni Iza. “Kung willing si Ate (Kris), pahiram muna. Hiramin ko na lang, hindi ko kinukuha. Kris Aquino is Kris Aquino.”

Nagtataka rin si Iza kung bakit siya isinasama palagi sa mga pelikulang katatakutan ang tema.

“Pero sa lahat naman ng ginagawa kong horror, ang basehan lang ng lahat ng ito ay drama. Ang Sigaw (her first horror film), drama. Ito (Ilawod) ay family drama rin. Parang... ewan ko, siguro, may something mysterious about me siguro physically, ‘pag nailawan, ‘yung mata ko nga, sabi nga ni (Direk) Dan (Villegas), baka nga pasok siya sa horror.

“O kaya, baka nga nakakatakot akong tingnan. Hindi ko talaga ma-explain. Pero kung anuman ‘yun, ako’y nagpapasalamat sa Diyos at biniyayaan Niya ako ng isang nakakatakot na mukha, horrifying presence,” tumawang sabi ng dalaga.

(Reggee Bonoan)