AKLAN – Nasa 400 pulis ang ipakakalat para sa 2017 Ati-Atihan Festival ng Kalibo, Aklan ngayong weekend.

Sinabi ni Aklan Police Provincial Office acting director Senior Supt. John Mitchell Jamili na puputulin ng pulisya ang mga telecommunication signal sa mga pagdarausan ng pagdiriwang upang matiyak ang seguridad ng mga dadalo.

Kasabay nito, mahigpit din ang seguridad na ipatutupad para sa pagdating ng mga kandidata ng Miss Universe 2017 sa bayan ng Malay, kaugnay ng photo shoot sa Boracay Island sa Linggo. (Jun Aguirre at Tara Yap)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog