CAMP MACABULOS, Tarlac City - Tatlo sa limang nanloob sa isang supermarket ang naaresto ng mga pulis na kaagad na nakaresponde sa nakawan sa establisimyento sa Barangay Poblacion G sa Camiling, Tarlac, nitong Miyerkules ng madaling araw.

Kinilala ni PO2 Jonathan Juanica ang mga naaresto na sina Joel Saiyan, 31, may asawa, ng Purok San Carlos; Howard Bawingan, 37, may asawa, ng Sitio Idogan; at Sherwin Bayawei, 35, ng Bgy. Irisan, Baguio City. Nakatakas naman sina alyas “Lat-o”, ng Bgy. Loakan; at isang Ashley, ng La Trinidad, Benguet.

Nabatid na natangay ng mga suspek ang aabot sa P5 milyon cash matapos nilang pasukin ang accounting office ng Save Wise Supermarket. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog