mocha-at-pres-duterte-copy

UMANI ng matinding pagbatikos ang pagkaka-appoint kay Mocha Uson bilang bagong miyembro ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Kinuwestiyon ang background ni Mocha bilang singer at artista. Lead singer si Mocha ng isang sexy female group, ang local counterpart ng The Pussycats.

Pero sa evening show ni Boy Abunda, ipinagtanggol ng TV host ang appointment ni Pangulong Rody Duterte kay Mocha na nangampanya nang husto para sa kanya nitong nakaraang eleksiyon.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ang pahayag ni Boy Abunda (na tila nakikipag-compete kay Vice Ganda by wearing punit-punit na pants) sa kanyang late evening show: “Sanay huwag tayong mapanghusga and let us give her a chance. Tingnan natin kung anong pagbabago ang kanyang ipo-propose. Malaki ang kanyang pagtutol sa pagpapalabas ng mga lewd scenes sa teleseryes na majority of viewers ay pawang mga bata. Her intentions are good at she deserves to be heard.”

Ayon kay Mocha, ido-donate niya sa Duterte’s Kitchen at sa DSWD projects ang kanyang susuwelduhin sa MTRCB.

(REMY UMEREZ)