BOGOTA, Colombia (AP) — Bumaliktad ang isang suspension bridge na sikat sa mga turista sa isang nayon sa central Colombia, na ikinamatay ng pito katao at ikinasugat ng mahigit 14 pa.

Ang tulay malapit sa lungsod ng Villavicencio ay isang malaking tourist attraction. Ayon sa mga awtoridad, bumaliktad ito Lunes ng umaga dahil sa sobrang dami ng tumawid dito sa tatlong araw na holiday weekend.

Isinugod sa ospital ang mga nagtamo ng pinsala. Nangangamba ang mga opisyal na tataas pa ang bilang ng mga namatay dahil sa matinding pinsalang tinamo ng mga taong nahulog sa bangin mula sa taas na 80 metro (265 feet).

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na