VICTORIA, Tarlac - Isang kinakalawang na smoke grenade na pinaniniwalaang itinanim ng mga hindi nakikilalang armado ang natagpuan sa likod ng isang construction site ng Balayang Victoria High School sa Victoria, Tarlac, nitong Sabado ng madaling araw.

Ayon kay PO3 Sonny Villacentino, ang granada ay nadiskubre ni Marlon Palmery, 36, may asawa, habang naghuhukay sa construction site ng paaralan. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog