BUENAVISTA, Quezon – Tinutugis ng pulisya ang hindi nakilalang suspek sa pamamaril at pagpatay sa isang barangay kagawad na natagpuang wala nang buhay sa gilid ng kalsada sa Barangay Mabutag sa Buenavista, Quezon, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Gerry Gonzales Centes, 44, may asawa, kagawad ng Bgy. Mabutag.

Ayon sa mga report, dakong 11:00 ng gabi nang iniulat sa pulisya ng isang residente ang isang insidente ng pamamaril.

Natagpuan ng mga rumespondeng pulis ang wala nang buhay na biktima na may mga tama ng bala sa mukha at dibdib.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa kagawad. (Danny J. Estacio)