VIGAN CITY, Ilocos Sur – Sinisilip ng pulisya ang posibilidad ng personal na anggulo, partikular na ang love triangle sa pagpatay sa isang dating lokal na radio broadcaster dito na ngayon ay isang full-time professor sa isang unibersidad na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi nakilalang suspek sa Barangay San Ramon sa Magsingal, Ilocos Sur, nitong Biyernes ng gabi.

Sinabi ni Chief Insp. William Narona, tagapagsalita ng Ilocos Sur Police Provincial Office (PPO), na pinagbabaril si Mario Contaoi, 52, may asawa, dating broadcaster ng Radio DZNS at kasalukuyang propesor sa University of Northern Philippines, habang pauwi mula sa isang restaurant.

“Sa pakikipag-inuman ng biktima at kanyang mga kasama sa loob ng restaurant sa beach resort, parang nagkaroon ng special attention itong biktima sa isa sa mga waitress doon. Nang pauwi na siya, inabangan siya,” sabi ni Narona.

(Mar T. Supnad)

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match