julia-kasama-ang-pamilya-ng-ama-copy

TATLONG linggo na lang pala ang itatakbo ng Doble Kara.

Kaya pala paspasan na ang taping ng teleserye ni Julia Montes kasama sina Sam Milby, Maxene Magalona, Edgar Allan Guzman, Mylene Dizon at Rayver Cruz dahil sitsit sa amin ay hanggang Enero 27 na lang ito.

Akala namin ay extended uli ang Doble Kara tulad ng naikuwento late last year ng isang source dahil marami pa raw puwedeng mangyari sa kuwento ng kambal na sina Mara at Kara.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sabagay, tumagal na rin masyado ito at baka gusto na munang magpahinga ang cast dahil halos araw-araw silang nagti-taping. Natatandaan pa namin ang kuwento ni Mylene noong huli naming makatsikahan na ‘yung araw na wala siyang trabaho ay puro errands ang ginagawa niya dahil ayaw naman niyang ipagkatiwala sa iba.

At higit sa lahat, pagkatapos ng Doble Kara ay planong umalis ni Julia papuntang Germany para makasama nang matagal ang biological father niya at ang mga kaanak nila roon.

Madalian lang ang pagdalaw sa Pilipinas ng ama ni Julia, pero nagawan pa rin niya ng paraan na maipasyal ito. Sa isang post niya sa Instagram, nakitang magkakasama sila ng pamilya nito sa Batangas.

“Super nag-enjoy sila Papa sa view na meron ang Batangas... sooo happy to be with them sa boat @dynamiteaquasports... and of course, thank you sa nag-alaga sa amin sa @nayomiresort @iamjohnprats biglaan ang lahat pero hindi ko na-feel dahil lahat parang nakaplano sa smooth and thank you for making our day very special and memorable. Ang daming activities na puedeng gawin. Kung puwede lang pigilan ang time at may mahaba-haba lang kaming oras, gusto namin nila Papa i-try lahat.”

Ito naman ang emosyonal na caption ni Julia sa photo nila nang ihatid na niya sa airport ang kanyang special guests:

“The saddest part happened earlier today... ganu’n pala pakiramdam kahit saglit mo lang sila nakasama parang ayaw mo na sila paalisin, kung puwede lang. Kaya lalo akong naging saludo sa mga pamilya lalo na pati ang ating mga kapamilya na OFW na umaalis ng bansa, kahit mahirap ginagawa nila para sa pamilya nila.... Today, it leaves me a very nice lesson... make time as much as you can with your loved ones and family and make the most of it... and “no goodbyes, just till next time”...

Samantala, ikinatuwa ng rumored boyfriend ni Julia na si Coco Martin na nakita na ng dalaga ang tunay na ama pagkalipas ng 21 taon. Masaya ang aktor dahil kumpleto na ang pamilya ng aktres sa tulong ng fans nilang CocoJuls Nation.

Ang serye ni Maja Salvador na Wildflower ang ipapalit sa Doble Kara. (REGGEE BONOAN)