LIPA CITY, Batangas — Patay ang isang negosyante na umano’y isa sa mga sumuko sa Oplan Tokhang matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa lungsod na ito noong Huwebes.

Sinabi ng pulisya na katatapos lang kumain si Carlos Benigno, 52, sa Jandrew’s Eatery sa Barangay Bolbok nang patayin.

Nabatid na may kausap na tatlong lalaki si Benigno bago siya barilin.

Sumuko umano sa programang Oplan Tokhang si Benigno noong nakaraang Setyembre.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Tumakas umano ang mga namaril sakay ng isang Toyota Vios na gray. (Lyka Manalo)