PANIQUI, Tarlac -- Sabit sa kasong pagnanakaw ang isang lalaki sa Barangay Cariño, Paniqui, Tarlac matapos niyang tangayin ang cylinder head set ng agricultural tractor at iba pang kagamitan, nitong Martes ng hapon.

Natangayan si Raymund Alfonso, 34, ng kagamitan na nagkakahalaga ng P40,000, at isang P5,700 na baterya.

Pinaghahanap ang suspek sa pagnanakaw na si Pidiong Tiangsing, ng Barangay Poblacion Center, Ramos, Tarlac.

Dinala umano ni Alfonso ang tractor sa bukirin at iniwang magdamag.

Probinsya

'Amazing race?' 15 bus ng isang bus company, suspendido dahil sa 'karera'

Pagbalik niya ng madaling araw ay nawawala na ang mga nasabing kagamitan. (Leandro Alborote)