DHAKA (AFP) – Nabaril at napatay sa madaling araw na raid sa Dhaka kahapon ang isa sa mga utak ng madugong pag-atake sa Bangladesh noong nakaraang taon, sinabi ng pulisya.

Natagpuan ang bangkay ni Nurul Islam Marzan at isa pang pinaghihinalang militante matapos ang paglusob ng anti-terrorism police sa isang bahay sa pamayanan ng Rayer Bazar sa kabisera, ayon sa Dhaka Metropolitan Police.

Sinabi ni deputy commissioner Yusuf Ali na si Marzan, nasa edad 30, ang isa sa mga utak ng paglusob sa Holey Artisan Bakery noong Hulyo 1, 2016 kung saan 18 banyagang hostage ang pinatay. Siya ay miyembro ng grupong Jamayetul Mujahideen Bangladesh (JMB).

Kasama ni Marzan sa pagplano ng Gulshan attack si Tamim (Ahmed Chowdhury), isang Canadian citizen, na napatay din sa raid sa labas ng kabisera noong Agosto, 2016.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa