Patay ang isang hinihinalang drug pusher nang labanan umano niya ang mga pulis na dadakip sa kanya sa Cainta, Rizal, Martes ng gabi.

Napatay ng mga kasapi ng Rizal Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (PAIDSOTF) ang lalaking nakilala lang sa alyas na Tisoy.

Nakatakas naman ang kanyang kasama.

Ayon sa Rizal police, pumunta ang mga tauhan ng Rizal PAIDSOTF sa Accounting St., UE Village, Barangay San Isidro, matapos matunugan na naroon si Tisoy at ang kanyang kasama.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Dumating si Tisoy na sakay sa isang motorsiklo. Nagpanggap na buyer si PO1 Junie Mangognahan.

Matapos mabayaran ay nakahalata si Tisoy na mga pulis ang kanilang kausap kaya’t bumunot ng baril.

Nagpaputok ang mga pulis at tinamaan si Tisoy. (Mary Ann Santiago)