GABALDON, Nueva Ecija — Isang 29-anyos na intelligence operative ng pulisya ang grabeng napinsala nang sumemplang ang minamanehong motorsiklo habang malakas ang buhos ng ulan.

Si PO1 Michael Durado ay natagpuang walang malay ng mga rumespondeng pulis sa Gabaldon-Dingalan Road sakop ng Barangay Calabasa.

Batay sa report ng pulisya, nawalan ng kontrol si Durado sa manibela nang biglang masira ang kanyang Kawasaki Rouser 200.

Dinala siya sa Palayan City Hospital, subalit kaagad ding inilipat sa Nueva Ecija Good Samaritan Hospital sa Cabanatuan kung saan siya ipinasok sa Intensive Care Unit (ICU).

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Nagdurugo umano ang ilong at tenga ni Durado, gasgas ang kanang bahagi ng mukha, may sugat sa kanang bahagi ng beywang at sa kaliwang kamay. (Light A. Nolasco)