janet-copy

SA edad na 50, isinilang na ni Janet Jackson ang kanyang unang anak nitong Martes, ayon sa kanyang publicist.

“Janet Jackson and husband Wissam Al Mana are thrilled to welcome their new son Eissa Al Mana into the world,” saad ng kinatawan ng mang-aawit sa isang pahayag sa People magazine.

“Janet had a stress-free healthy delivery and is resting comfortably,” ayon pa sa pahayag.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nagpakasal si Janet at ang Qatari businessman na si Al Mana noong 2012, at kinansela ng singer ang kanyang Unbreakable world tour noong Abril para ibuhos ang panahon sa pagsisimula ng kanilang pamilya.

Noong Oktubre, ipinakita ni Jackson ang kanyang baby bump sa ekslusibong larawan sa People magazine.

Hindi nagbigay ng iba pang mga detalye si Jackson, ang bunso sa kilalang pamilya ng mga Jackson, tungkol sa kanyang pagbubuntis o kung saan isinilang ang kanyang anak.

Naging asawa niya sa loob ng isang taon ang soul singer na si James DeBarge noong gitnang bahagi ng 1980s at ang mananayaw na si Rene Elizondo (1991-2000). (Reuters)