Patay ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki makaraang pagbabarilin ng mga suspek sa Taguig City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot ang mga biktima na tinatayang nasa edad 30 hanggang 40, katamtaman ang mga pangangatawan, sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa inisyal na ulat ng Taguig City Police, dakong 1:00 ng madaling araw, nangyari ang insidente sa Cayetano Avenue, Barangay Palingon ng nasabing lungsod.

Isang puting sasakyan na walang plaka ang pumarada sa Cayetano Avenue at ibinaba ng tatlong lalaki ang dalawang biktima na hinihinalang wala nang buhay bago pinagtulungang pagbabarilin.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kinumpirma naman ng mga barangay tanod na hindi residente sa lugar ang mga biktima.

Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operations (SOCO) ng Southern Police District (SPD) ang 15 basyo ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril.

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng mga biktima at ang motibo sa pamamaslang. (Bella Gamotea)