KUMPIYANSA si coach Mac Cuan na mas titibay ang kampanya ng Alab Pilipinas sa paglalaro ni James Hughes bilang import sa Asean Basketball League (ABL).

Nakatakdang dumating si Hughes sa Miyerkules bilang ikalawng world import ng koponan sa (ABL).

Iginiit ni Cuan na napapanahon ang pagdating ni Hughes para mas mapatatag ang kampanya ng Philippine squad laban sa Kaohsiung Truth, makakaharap ng Pilipinas sa ikatlong pagkakataon sa Enero 8 sa Taiwan.

Makakasama si Hughes, 33, si University of Massachusetts standout Sampson Carter bilang kapalit nina Korean-Americans Lee Seung Jun at Lee Dong Jun .

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang 6-foot-11 na si Hughes ay produkto ng Northern Illinois at nakapaglaro sa Memphis Grizzlies sa NBA Summer League. Naglaro rin siya sa professional ball sa Slovakia, Czech Republic, at Japan.