Pinangunahan nina Department of Labor and Employment (DoLE) Secretary Silvestre H. Bello III, DoLE Undersecretary Ciriaco A. Lagunzad at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo J. Cacdac ang grupo ng mga opisyal ng pamahalaan na pagsalubong sa mga nagbabakasyong overseas Filipino workers (OFW) sa tradisyunal na “OFW Salubong” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa Pasay City nitong Miyerkules.

Tinawag itong “New Year’s OFW Salubong’ kung saan tatlong masuwerteng OFW mula sa Kuala Lumpur, Abu Dhabi at Kuwait ang tumanggap ng tig-P50,000 cash. Tatlo pang OFW galing Taipei, Doha, at Kuwait ang nakatanggap ng 32- inch TV.

Hinarana ng rondalla ang mga balikbayan at inabutan ng munting regalo.

Sinimulan ng OWWA Team ang “meet and greet” sa mga umuwi/magbabakasyong OFW nitong Disyembre 19, 20, 21, 22, 23 at 26. (Bella Gamotea)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador