Limang katao ang naaresto ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group (SAID-SOTG) ng Makati City Police sa buy-bust operation sa lungsod, kahapon ng madaling araw.

Nakakulong sina Emmanuel Casola, Alejandro Pangilinan, Louie Hernandez, Joven Delos Reyes at Florissa Fresnedi, pawang taga-Barangay Tejeros, Makati City at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165) sa Makati Prosecutor’s Office.

Nabatid na mga kilala umanong adik at tulak ang mga suspek.

Sa ulat na natanggap ni Makati City Police chief, Senior Supt. Milo Pagtalunan,dakong 12:00 ng hatinggabi nang isagawa ang buy-bust hanggang sa madakip ang limang suspek.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Narekober sa mga suspek ang tatlong maliliit na plastic sachet na may hinihinalang shabu na tumitimbang ng 0.7 gramo.

(Bella Gamotea)