LONDON (Reuters) – Nanganganib na maubos ang cheetah, ang world’s fastest land animal dahil wala na silang lugar na matatakbuhan, natuklasan sa pananaliksik na pinangunahan ng Zoological Society of London (ZSL).

Mayroon na lamang ngayong 7,100 cheetah sa mundo, o 9 porsiyento ng historic range, natuklasan sa pag-aaral ng ZSL, Wildlife Conservation Society at Panthera.

Nananawagan ang wildlife experts na gawing “endangered” ang big cat, mula sa “vulnerable” sa hilera ng mga nanganganib maubos na lahi, upang mabigyan ng mas malawak na environmental protection.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina