May 22, 2026

Home BALITA National

DA Sec. Tiu Laurel, nagsampa ng cyber libel case vs 18 ex-Marines, Atty. Levi Baligod, Zaldy Co

DA Sec. Tiu Laurel, nagsampa ng cyber libel case vs 18 ex-Marines, Atty. Levi Baligod, Zaldy Co
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Naghain ng magkabukod na reklamong cyber libel si Department of Agriculture (DA) Sec. Francisco Tiu-Laurel Jr., laban sa 18 na mga nagpakilalang dating miyembro ng Philippine Marine, kina Atty. Levito “Levi” Baligod at dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co. 

Personal na nagtungo ang kalihim sa Office of the Prosecutor sa Makati City nitong Huwebes, Marso 19, 2026, upang maghain ng reklamo.

Paliwanag ni Tiu Laurel, cyber libel daw ang kaniyang isinampa laban 18 ex-marines, kina Baligod, at Co dahil puro kasinungalingan daw ang sinasabi ng mga ito laban sa kaniya. 

“Nag-file ako ng kaso, ng cyber libel sa isang grupo at ‘yong isa naman ay kay Zaldy Co. ‘Yong una will be kay Baligod ba ‘yon at saka ‘yong kaniyang 18 puppets,” pagsisimula niya sa panayam sa kaniya ng media. 

Dagdag pa niya, “Dahil mga puro kasinungalingan ‘yong kanilang pinagsasabi sa kanilang affidavit at puro walang katotohanan.” 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Aniya pa Tiu Laurel, matagal na raw siyang naglabas ng pahayag noon tungkol sa plano niyang pagsasampa ng kaso laban kay Co at ngayon lang daw siya nagkapanahon para sabay-sabay na sampahan na ng kaso ang mga nabanggit. 

“Of course ‘yong kay Zaldo Co naman, I did pre-statement on that a few months ago at ngayon lang nagkaroon ng oras para file-lan. So sinabay-sabay ko na,” saad niya. 

Buwelta niya, sumusobra na raw kasi ang paninira laban sa kaniya at kailangan na umano niyang lumaban. 

“Kasi sobra na ‘yong paninira ng mga ‘yan, e. Hindi ko nga alam kung magkakasama ‘yang mga ‘yan but kailangan nang lumaban, e, kasi sumosobra na sila,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag, reaksyon, o tugon ang 18 ex-Marines, sina Baligod at Co kaugnay rito. 

MAKI-BALITA: ‘Bakit ngayon takot silang ipatawag ‘yong 18 Marines?’—Rep. Toby Tiangco sa Kongreso

MAKI-BALITA: 18 ex-Marines, pumalag sa akusasyong 'gipit lang sila' kaya napilitang lumantad!