May 13, 2026

Home BALITA Probinsya

Babaeng customer, ninakawan ng lalaking pinagpalinisan niya ng aircon

Babaeng customer, ninakawan ng lalaking pinagpalinisan niya ng aircon

Arestado ang isang lalaki matapos umanong looban at nakawan ang isang babae sa loob mismo ng kanIyang bahay sa General Trias, Cavite.

Batay sa ulat ng Police Regional Office 4A, nagpa-schedule ang biktima ng paglilinis ng air conditioning unit sa loob na mismo ng kanilang tirahan. Kabilang sa mga dumating na maglilinis ang suspek na kinilala lamang sa alyas na “Nazario.”

Kaugnay nito, matapos ang kaniyang pa-home service ay tila hindi pa raw tapos ang suspek sa kanilang tahanan ng muli silang balikan nito at tuluyan nang nilooban.

Kinabukasan ng madaling-araw matapos ang pagpapalinis nila ng aircon, nagulat ang biktima nang makita umano ang suspek sa loob ng kanilang bahay. 

Ayon sa ulat, hinarap pa siya nito at tinutukan ng patalim.

Probinsya

Tanggal angas! Viral pulis na nambugbog ng misis, sibak sa puwesto!

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang lalaki sa likurang bahagi ng bahay at tinangay ang ilang mahahalagang gamit, kabilang ang mga gadget at pera na aabot sa higit ₱30,000 ang halaga.

Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga barangay tanod at mga pulis mula sa General Trias Component City Police Station, na nauwi sa pagkakaaresto ng suspek.

Kasalukuyang nakapiit ang akusado at nahaharap sa kasong robbery habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.