andrea-copy-copy

ISA si Andrea Torres sa hosts ng New Year countdown ng GMA Network na tinawag nilang Lipad Sa 2017 at gaganapin sa MOA sa December 31. Makakasama niya sina Alden Richards, Betong Sumaya at Julie Anne San Jose at performers ang maraming Kapuso stars.

Mabuti si Andrea at walang isyu sa ilang selosang Aldub fans na ayaw tigilan sa pang-iintriga si Julie Anne porke dating nakasama sa trabaho ni Alden. Iwas bash si Andrea dahil hindi siya na-link kay Alden. Si Julie Anne, mula nang mabalitang host siya at hanggang after ng New Year countdown, tiyak na dudumugin na naman ng fans sa social media.

Anyway, kung hindi kami nagkakamali, first time mag-host ng New Year countdown ni Andrea dahil sa mga nagdaang taon, kung kasama man siya, bilang performers lang. Ngayon, sasabak na siya sa hosting.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Tuwang-tuwa siguro si Andrea to be given a chance na maging host at maipakitang hindi lang siya pang-acting at pang-action, puwede rin siyang mag-host.

Kapag maganda ang ipinakita sa New Year countdown, tiyak na masusundan pa ang hosting job na ibibigay sa kanya ng GMA-7.

Sa ngayon, ang pag-arte at kahusayan sa acting sa Alyas Robin Hood ang napapanood kay Andrea. It’s about time na ibang talent naman ang ipamalas niya sa mga tao. (Nitz Miralles)