Pinagbabaril hanggang sa napatay ng riding-in-tandem ang dalawang lalaki na umano’y gumagamit ng ilegal na droga sa magkahiwalay na insidente sa Pateros, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot ang mga biktima na sina Exequiel Mabugat, 40, ng No. 1108 Alley 6, P. Rosales Street, Barangay Santa Ana; at Ay-R Panelo, 30, tricycle driver, ng No. 80, Bagong Calzada St., Pateros Metro Manila.

Ayon sa Pateros Police Station, dakong 3:30 ng madaling araw pinagtulungang barilin ng dalawang suspek, sakay sa motorsiklo, si Mabugat sa sarili niyang bahay.

Samantala, pinaputukan naman si Panelo ng riding-in-tandem sa Bagong Calzada St., Bgy. Martirez, Pateros, dakong 4:40 ng madaling araw.

Internasyonal

Higit 200 pasahero sa nag-crash na Air India plane, patay; isa, nakaligtas!

Sa imbestigasyon, napag-alaman na kabilang sa drug watch list sina Mabugat at Panelo. (Bella Gamotea)