KABUL, Afghanistan (AP) — Inatake kahapon ng Taliban insurgents ang isang checkpoint sa Afghanistan, tatlong pulis ang namatay habang apat naman ang nasugatan, ayon opisyal.

Ayon kay Toryalai Abdyani, police chief ng probinsiya ng Farah, pinatay ng mga suspek ang tatlong pulis at tumakas bitbit ang mga armas.

Isa pang police official, na tumangging pangalanan, ang nagsabing 11 pulis ang napatay.

Si Taliban spokesman Qari Yusouf Ahmadi ang umako sa pag-atake.
Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa