Isasagawa sa bansa bilang parte ng aktibidad para sa 2017 Southeast Asian Games Federation (SEAGF) ang “Baton Run”para sa pormal na pagsisimula ng paghahanda sa 29thSoutheast Asian Games na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto 19-31.

Ito ang sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) William “Butch” Ramirez matapos makipagpulong sa mga bumisitang opisyal mula sa Malaysia na sina Ministry of Youth & Sports of Malaysia Nik Abd.Kadir NIIc Mohammad at si Akmal Che Mustafa mula sa Embassy of Malaysia.

“We have a meeting with very important visitors from Malaysia Ministry of Youth and Sports. Pinag-usapan namin iyung isasagawa na Baton Run, na just like sa sports natin na athletics ay ipinapasa iyung baton sa kasamahan, na planong magsimula sa Pebrero 8,” sabi ni Ramirez.

Ang Baton Run ay magsisimula sa lugar mismo ng host na Malaysia na ipapasa nito at ililibot sa mga miyembro na bansa na Thailand, Indonesia, Cambodia, Singapore, Vietnam, Laos, Myanmar, Timor Leste, Brunei at Pilipinas.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Inaasahang darating sa bansa ang baton sa Marso 4 kung saan plano ng PSC na makapagbuo ng apat na grupo na siyang magsagawa ng simbolikong pagpapasa sa 2-kilometrong takbuhan bago ipasa ng Pilipinas ang baton patungo naman sa bansang Laos sa Marso 12.

“We will be one to pass the baton to Laos,” sabi pa ni Ramirez hinggil sa aktibidad.

Magbabalik ang baton sa orihinal nitong pinagsimulan sa Kuala Lumpur, Malaysia upang buksan ang ika-29 edisyon ng Southeast Asian Games kung saan kabuuang 38 sports ang paglalabanan ng 11 bansa.

Ang 2017 SEA Games ay ikaanim na beses lamang ng Malaysia na paghohost sa biennial meet matapos noong 1965, 1971, 1977, 1989 at 2001 Games, eksaktong 16 na taon matapos ang kanilang huling hosting. Ang closing ceremony ng torneo ay makakasabay naman sa 60th Independence Day ng Malaysia. (Angie Oredo)