SANTA IGNACIA, Tarlac - Dalawang baka na aabot sa malaking halaga ang tinangay at pinaniniwalaang kinatay na ng mga cattle rustler sa Barangay Baldios sa bayang ito, nitong Linggo ng umaga.

Nagkakahalaga ng P50,000 ang bawat isa sa mga baka na pag-aari ni Romeo Galvanores, 56, magsasaka.

Sa imbestigasyon ni PO3 Aris Rombaoa, ipinastol ni Galvanores ang dalawang baka hindi kalayuan sa kanyang bahay dakong 4:30 ng hapon at magdamag na iniwan doon, ngunit wala na kinabukasan. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog