Hindi pa rin bibitaw ang mga Amerikano sa Pilipinas.

Sinabi ng United States noong Linggo na patuloy itong makikipagtrabaho kay Pangulong Rodrigo Duterte upang matugunan ang anumang isyu matapos magbanta ang huli na tatapusin ang kasunduan na nagpapahintulot sa mga tropa ng United States na bumisita sa Pilipinas.

Nagalit si Pangulong Duterte nang ipagpaliban ng US government aid agency ang botohan sa renewal ng isang malaking development assistance package para sa Pilipinas dahil sa mga pangamba sa extrajudicial killings sa digma sa droga ni Dutetre, na ikinamatay na ng libu-libong suspek.

Kahit na wala pang desisyon sa aid package, binatikos ni Duterte ang Amerika nitong Sabado, at sinabing “prepare to leave the Philippines, prepare for the eventual repeal or the abrogation of the Visiting Forces Agreement.’’

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang kanyang tinutukoy ay ang kasunduan noong 1998 kaugnay sa pagbisita ng mga puwersa ng US sa Pilipinas para sa joint combat exercises o balikatan. Nakatulong ang kasunduang ito upang masupil ng Pilipinas ang bayolenteng rebelyon ng mga Muslim sa Mindanao at nagbigay sa mga sundalong Pilipino ng lakas sa pagharap sa agresibong China sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

“You know, tit for tat ... if you can do this, so (can) we. It ain’t a one-way traffic,’’ sabi ni Duterte, idinagdag na, “Bye-bye America.”

Sinabi ng US Embassy sa Manila sa isang pahayag kinagabihan na patuloy na makikipagtrabaho ang Washington sa adminsitrasyong Duterte upang matugunan ang anumang isyu. Hindi ito nagbigay ng detalye.

Wala pang reaksyon ang White House, ngunit sinabi na noon ni spokesman Josh Earnest na hindi na magre-react sa publiko ang White House sa tuwing may hindi magandang sasabihin si Duterte. (AP)