Tatangkain ni Filipino boxer Raymond Tabugon na magtala ng unang panalo sa pagtungo sa Mexico sa kanyang laban ngayon sa walang talong si WBC No. 2, WBA No. 5 at WBO No. 10 bantamweight Luis Nery sa El Foro Chiapas, Tuxtla Gutierrez sa lalawigan ng Chiapas.

Nabigo si Tabugon sa kanyang unang dalawang laban sa Mexico nang talunin siya nina one-time world title challenger Juan Hernandez Navarette via 5th round TKO noong 2015 at dating WBA at WBO flyweight champion Juan Francisco Estrada sa puntos noong nakaraang Oktubre 8.

Matikas ang record ni Nery na may perpektong 21 panalo, 15 sa pamamagitan ng knockout at tumalo sa mga Pilipinong world title contender na sina Jether Oliva, John Mark Apolinario at Richie Mepranum pawang sa stoppages.

May record naman si Tabugon na 18-6-1 win-loss-draw na may 8 panalo sa knockout at minsang naging IBO Inter-Continental light flyweight champion nang pabagsakin sa 12th round si Luzuko Siyo para magwagi sa puntos sa sagupaang ginanap sa East London, Eastern Cape sa South Africa. (Gilbert Espena)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!