CABANATUAN CITY - Pitong katao ang naaresto ng anti-illegal drug operatives sa magkakahiwalay na lugar sa Nueva Ecija nitong Lunes.
Unang dinampot sa bisa ng search warrant si Joanna Rejoice Tolentino y Yap, 19; at 17-anyos nitong kapatid na babae, kapwa ng Barangay MS Garcia matapos makumpiskahan ng 13 transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia sa loob ng kanilang bahay.
Sa bisa pa rin ng search warrant ay hinalughog ng awtoridad ang bahay ni Ronald Dela Cruz y Verde sa Purok 4, Bgy. MS Garcia, at nasamsam sa kanya ang 12 plastic sachet ng hinihinalang shabu.
Sa Palayan City, naaresto naman sina Jeralyn Magdaraog y Cabacang, Rowena Castro, Rosel Rafael, at Jen Romero y Quijano, pawang taga-Bgy. Militar matapos makumpiskahan ng apat na plastic sachet ng shabu at drug paraphernalia sa loob ng bahay. (Light A. Nolasco)