ILOILO CITY – Posibleng masibak sa serbisyo ang isang pulis dahil sa pagbebenta umano ng shabu, matapos siyang maaresto sa buy-bust operation kamakailan.

Sinabi ni Supt. Gilbert Gorero, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-6, na inihahain na ang mga kasong kriminal at administratibo laban kay PO1 Henson Digon, nakatalaga sa Regional Headquarters Support Group (RHSG) ng PRO-6.

Inaresto kamakailan si Digon sa pagbebenta umano ng P500 halaga ng shabu sa poseur buyer na tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Region 6 sa Iloilo City. (Tara Yap)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog