Sa sariling bahay binaril at pinatay ng apat na armado ang isang lalaki na umano’y sangkot sa ilegal na droga sa Pateros, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si John Paul Reyes, 33, ng No. 234 P. Rosales Street, Barangay Santa Ana ng nasabing munisipalidad, dahil sa mga tinamong bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek na pawang nakasuot ng bonnet at helmet at sakay sa dalawang motorsiklong walang plaka.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Felicito Brijuega, ng Pateros Police Station, dakong 3:30 ng madaling araw nangyari ang pamamaril sa loob ng bahay ng biktima.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagpapahinga umano si Reyes nang pasukin ng mga armado ang kanyang bahay at walang awang pinagbabaril hanggang sa malagutan ng hininga.

Ayon kay Pateros Police chief Sr. Supt. Joel Villanueva, posibleng may kinalaman sa ilegal na droga ang insidente.

(Bella Gamotea)