Magtatangka ang Cebu City pride na si Joy Joy Formentera na maging regional champion sa paghamon kay WBO Oriental flyweight champion Jing Xiang sa kanilang 10-round na sagupaan bukas sa Hangzhou Stadium sa Hangzhou, China.

Magandang pagkakataon ito para kay Formentera dahil kapag tinalo niya ang 26-anyos na si Xiang ay posibleng pumasok siya sa WBO flyweight ranking na pinaghaharian ngayon ng Chinese boxer ding si two-time Olympic champion Shiming Zou.

Inaasahang magdedepensa si Zou sa mandatory contender na si two-division world titlist Donnie Nietes ng Pilipinas.

May rekord si Formentera na 8-1-0, kabilang ang apat na knockout samantalang si Xiang na natalo sa mga Pinoy boxer na sina IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas at Macrea Gandionco ay may kartadang 9-4-2.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa Fuqing, China, kakasa si Ernie Sanchez ng Pilipinas laban kay Chinese Li Quan Lin para sa bakanteng IBO Asia Pacific lightweight title.

Inaasahang maibabalik ni Sanchez ang dating makinang na boxing career matapos ang dalawang huling talo via knockouts kina WBO featherweight champion Oscar Valdez ng Mexico at OPBF junior lightweight titlist Masayuki Ito ng Japan. - Gilbert Espeña