DAVAO CITY – Inaresto ng pulisya ang sanitation chief ng City Health Office dahil sa graft.

Ipinatupad ang arrest warrant laban kay Robert Oconer para sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019), ngunit kaagad ding nagpiyansa ang opisyal.

Ayon sa mga dokumento ng korte, sa reklamo ng kinatawan ng Davao Central Convenience Store, Inc., ay iginiit nitong si Oconer “requested money from complainant in exchange for securing a sanitary permits and city health cards.”

Kabilang si Oconer sa mga pumipirma sa sanitary permit, na ipinoproseso sa mga CHO counter at hindi direktang sa mga opisyal.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sinabi naman ng pamahalaang lungsod na plano nitong magsampa ng kasong administratibo laban kay Oconer, na napaulat na iniimbestigahan noon pang panahon ni dating Mayor Rodrigo Duterte. (Yas D. Ocampo)