Patay sa pamamaril ng hindi nakilalang suspek ang isang matandang babae sa Barangay Poblacion Norte sa Sta. Maria, Ilocos Sur, kahapon.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital si Myrna Badilla, 60, dalaga, negosyante, at taga-Bgy. Poblacion Norte, Sta. Maria.

Ayon kay Insp. Leonilo Ancheta, hepe ng Sta.Maria Municipal Police, naglalakad ang biktima para bumili ng pandesal sa bakery nang harangin at pagbabarilin ng suspek bago tumakas. (Fer Taboy)

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match