BUTUAN CITY – Patay ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem sa Purok 4, Barangay 12, sa Cabadbaran City, Agusan del Norte.

Ayon sa paunang report na natanggap ni Police Regional Office (PRO)-13 Director Chief Supt. Rolando B. Felix mula sa Agusan del Norte Police Provincial Office (PPO), naghihintay sa kanyang constituents si Teofilo L. Curato III, 37, chairman ng Bgy. 12, sa gilid ng national highway nang malapitan siyang pagbabarilin ng mga suspek dakong 5:00 ng umaga nitong Lunes.

Inaalam pa ang motibo at suspek sa krimen. (Mike U. Crismundo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog