MEXICO CITY (AP) — Nasagip ng Mexican prosecutors ang 15 bata na pinuwersang magtrabaho bilang mga tindero o namamalimos sa Baja California resort ng Cabo San Lucas.

Ipinuwesto diumano ang mga bata sa labas ng mga bar at restaurant sa gabi, kung saan sila ay namamalimos o nagtitinda ng burloloy sa mga turista.

Sinabi ng Attorney General’s Office sa isang pahayag noong Martes na siyam na kababaihan ang inaresto sa pang-aabuso at pang-aalipin sa mga biktima. Hindi pa malinaw kung kamag-anak ng mga ito ang mga bata.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa