inah-at-jake-copy

GUMAGANAP na anak ni Paolo Ballesteros sa MMFF entry na Die Beautiful si Inah de Belen. Puring-puri ni Inah si Paolo na hindi lang mahusay na aktor kundi mabait pang tao at mabait sa co-stars.

Dahil kay Paolo, lagi raw masaya sa shooting kahit drama ang mga eksena.

“Para sa akin, walang ibang aktor na puwedeng gumanap sa role ni Trishia. Siyang-siya si Trishia, walang duda. He’s perfect for the role. This is his story and he’s perfect for the role. Masaya akong makatrabaho siya at mapasama sa magandang pelikulang gaya ng Die Beautiful,” sabi ni Inah.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

First time ni Inah mapasama sa MMFF kaya excited at masaya siya. Magkakasama sila ng buong cast at ni Direk Jun Lana na dumalo sa kick off ng MMFF at sasama rin sila sa parade of the stars, at baka pati sa opening ng movie sa December 25 at sa awards night sa Dec. 28.

Samantala, nakita naming namula ang pisngi ni Inah nang usisain namin sa aming nabalitaan na nagkakatotohanan na ang tambalan nila ni Jake Vargas sa Oh, My Mama at ang tsika, may Mutual Understanding o MU na sila.

“Ay, si Jake ang tanungin ninyo. Bakit ako ang tinanong ninyo. We’re just good friends,” paiwas na sagot ni Inah na hindi namin pinaniwalaan.

“We’re very close and we are getting to know each other more. He’s a very, very nice person at walang bahid ng kayabangan sa katawan. Pero, dapat talaga, siya ang tinatanong ninyo at hindi ako,” ayon pa kay Inah. (Nitz Miralles)